Huwag mong basahin ito kung bitter ka!

Ano nga bang mangyayari kung paulit ulit kanang sinaktan?


"Kung mahal mo ipaglaban mo,pero kung dika nya ipinaglaban.....ipaglalaban mopa ba sya?" 

Marahil napapaisip ka sa mga salitang nasa itaas.Maaaring nasagot mona ito sa iyong isipan o marahil nagsasalubong ngayon ang iyong mga kilay dahil sa nabasa mo.Mayroon akong kwento na nais ibahagi sa iyo na tiyak na kapupulutan mo ng aral.Hayaan mo muna akong umpisahan ito noong mga oras na sobrang kasagsagan ng init ng araw.Tanghali noong yaong maisipan kong makinig sa radyo ng mga storya.At sa aking paghahanap natagpuan ko ang storya ni Zac.

Nagsimula ang kanyang kwento noong siya ay nagbibinata at ang kanyang talento sa pagsulat ang kanyang hilig.Siya ay sadyang malapit sakanyang pamilya at di makakailang masaya ang kanilang pagsasamahan.Hindi lingid sakanyang kaalaman ang pagkakaroon ng paghanga sa mga kaedaran nya.Family oriented sya at hindi bukas ang kanyang isipan sa pagkikipag relasyon.Hanggang sa nakilala nya ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.Ibinigay nya ang kanyang best at kinaibigan nya ang dalaga,subalit maging ang kanilang pagkakaibigan ang naging hadlang sakanila.Dumating nalang sa puntong nalaman nya na may iba na itong kasintahan at ni hindi manlang nya nasabi rito ang nararamdaman nya.Hanggang sa umabot sya sa huling taon ng highschool at nakilala nya si kimberly,ngunit sadyang masama sakanya ang kapalaran dahil iniwan sya nito.At nang sumapit ang kolehiyo ipinangako nyang hindi muna sya magmamahal.Ngunit tila hindi inadya ito ng pagkakataon muli siyang nagkaron ng kasintahan at di kalaunay naghiwalay din sila dahil ayon sa babae hindi nya gusto si zac dahil boring ito.Sobrang nasaktan si zac dahil sa pangatlong pagkakataon naloko na naman sya.Kalauna'y naulit muli ang kanyang pag ibig sa babaeng nagngangalang anika ngunit sa pagkakataong ito di nya ninais pang pakawalan ito at inalok na nya ito ng kasal.Kumbaga kahit ilang beses na syang nasaktan inulit pa rin nya na patunayan sa mga babae na tunay ang kanyang pagmamahal.At sa pang apat na pagkakataon muli na naman syang nabigo.Niloko sya ng huling babaeng minahal nya.


Natapos na ng tuluyan ang paniniwala ni Zac pagdating sa tunay na pag ibig.Para sakanya laruan nalang ang pakikipag relasyon at wala na sakanyang bokabularyo ang seryosohin pa ang kahit na sinong babae.Hanggang sa dumating sakanyang buhay si sophia.Sa una ay hindi sineryoso ni zac si sophia gusto lamang nyang maangkin ang katawan nito.Samantalang si sophia ay labis na minahal si zac.Ibinigay ni sophia ang lahat maging ang pagiging birhen nya mapa ibig lamang ng tuluyan si zac.Ngunit sadyang matigas ang ulo ni zac at tila nanigas na ang kanyang puso pagdating sa pag ibig.Hindi nya sineryoso si sophia.


Sa isang banda lubos pa ring umasa si sophia na maibig nya ang lalaki.Hindi sya bumitaw,hindi sya sumuko.Ginawa nya ang lahat ng kanyang makakaya kahit pa harap harapan at lantarang nambabae si zac.Nilalayuan sya ni zac na parang sya na ang pinakamaruming tao sa mundo.Hanggang sa umabot ang ikatlong bwan na natanggap ni zac ang isang box na may lamang cupcakes at sulat.Binasa nya ito at labis na emosyon ang kanyang naramdaman.Guilty,panghihinayang at higit sa lahat pag ibig.Ramdam na ni zac na gusto nya si sophia mula pa noong una ngunit sadyang nabulag sya ng kanyang nakaraan at ngayon tila natuldukan na ang paghahabol sakanya ni sophia.At isang araw nalaman nalang nya na nasa ospital ang dalaga at may taning na ang buhay.Sobrang panlulumo at halo halong emosyon ang kanyang naramdaman.Mapait ang tadhana kay zac umibig sya ng paulit ulit at nabigo ng paulit ulit.Pero sa isang banda dumating si sophia.Ito ang naging liwanag nya sa dilim,ito ang nagbigay sakanya ng pag asa na sa bawat pagkabigo may pag asa pa.At sa maikling panahon nabigyan naman sila zac at sophia na lumigaya pa at magkaroon ng isang supling na magdudugtong sakanila sa pagitan ng kamatayan at buhay.Sa huling pagkakataon ang isang minuto ay naging mahalaga kay zac dahil tulad ng paglubog ng araw ang siyang pagpanaw ng tuluyan ni sophia.


Sadyang makapangyarihan ang pagmamahal.Dadalhin tayo nito sa pinakasukdulang bahagi ng ating buhay.Tila nakakalulang emosyon ang pag ibig sapagkat dito lumalabas ang ibat ibang kaanyuan ng tao.Sa aking palagay kung magmamahal tayo lagi nating tandaan na palaging nariyan ang sakit at kabiguan.Paulit ulit tayong masasaktan kapag tayo ay nagmahal.Mabibigo tayo ng paulit ulit ngunit sakabila non ay may darating upang sagipin tayo.May isang tao magpapatunay satin na hindi masamang ibigay mo ang lahat ng meron ka.Bakit?Dahil saglit lang tayo sa mundo.Hiram lang ang ating buhay at kahit na anong oras ay maaari itong bawiin ng maykapal.Kaya payo ko sayo kaibigan lagi mong piliin na maging masaya,lagi mong piliin na lumaban at huwag sumuko sa pagibig mo sa isang tao.Tulad ng kwento nila zac at sophia naging hadlang man ang nakaraan at kamatayan hindi nito mahihigitan ang kanilang pagmamahalan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Differences Between Crush And Love

Fight Against Depression

Truth And Lies