Anti Aging Tips

MGA TIPS UPANG MAIWASAN ANG MABILIS NA PAGTANDA

Nais mobang ingatan ang iyong kalusugan?Nais mobang mabagal ang mabilis na pagtanda ng iyong katawan? Sundin lamang ang ilan sa mga tips na ito na aking sinusunod upang mas maingatan ko ang aking kalusugan at hindi agad tumanda.Mas mainam kasi na sumasabay ang iyong itsura sa iyong edad.Nang sa gayon humaba pa ang iyong buhay at makaiwas sa mga malulubhang sakit. 


1.Uminom ng tubig sa umaga pagkagising at bago matulog.Upang maiwasan ang dehydration at pagsakit ng ulo.Uminom din ng isang basong tubig kada isang oras upang maiwasan ang HDMV.Nakakatulong ito upang mapalitan ang cells sa iyong katawan at maging fresh ang iyong balat.

2.Pag iwas sa matinding sikat ng araw.Ugaliing umiwas sa matinding sikat ng araw sa pagitan ng alas nuwebe hanggang alas kwatro ng hapon.Nakaka sunog ito ng balat at nagproproduce ng wrinkles at pagka dry.Gumamit ng sunscreen at magpayong upang maiwasan ang UV rays na maaring sumira sa iyong kutis.

3.Umiwas sa pagkain ng mga karne at taba.Ang palagiang pagkain nito ay nagdudulot ng matinding sakit.Mapapabilis ang iyong buhay kung mahilig kang kumain nito.Mas mainam na kumain ng greeny vegetables.

4.Ugaliing mas madalas na maglakad kaysa humiga sa higaan.Nakakatulong ito upang mabawasan ang unnecessary fats sa iyong katawan.Mas mainam na nagproproduce ng tamang sweat ang iyong katawan upang mas maging malusog ang buong pangangatawan. 

5.Maging stress free.Upang magawa ito kailangan mong maiwasan ang madalas na paggamit ng social media na nagdudulot ng pagbabago bago ng iyong mood.Nakakasama ng lubos ito sa pag andar ng iyong katawan at utak.Mabilis kang tatanda at magiging malayo ang edad mo sa iyong itsura.Para maiwasan ang stress maging produktibo ka at gumawa ng mga outdoor activity sa iyong leisure time.

6.Iwasan ang pagsimangot at pagka aburido upang hindi kumolubot ang iyong balat.Kapag lagi kang nakasimangot mas mabilis kang tatanda.Mas mabuting maging positibo at iwasan ang mga bagay na maaring magdulot ng hindi maganda sa iyong emosyon. 

7.Pagkakaroon ng tamang tulog.Sa panahon ngayon ng pandemia madalas at nasa bahay na lamang ang lahat.May pagkakataon na ang lahat upang dagdagan ang tulog.Kung mas maagang matutulog at maaga ding gigising magiging maganda ang function ng iyong katawan.Refresh ang iyong utak at mas maganda ang mood.Maiiwasan ang mabilis na pagtanda at mas magiging healthy pa ang iyong katawan. 


Ilan lamang ito sa mga tips na aking sinusunod upang maiwasan ko ang mabilis na pagtanda.Wala kang gagastusin na pera at dimo kailangan mag effort ng sobra sobra lalo na kung isa kang tamad.Simple lamang ang mga ito at ang kailangan mo lamang ay disiplina.


Sundin ang mga payo upang mas mahaba ang buhay at upang hindi tumanda ng maaga. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Differences Between Crush And Love

Fight Against Depression

Truth And Lies