Mga Uri Ng Halamang Medikal Sa Inyong Bakuran
Tatlong Uri Ng Herbal Medicine Na Maaaring Makita Sa Bakuran
Hindi na bago sa atin ang paggamit ng mga halamang gamot na kadalasan ay ginagamit pa ang mga ito bilang panghalili sa mga gamot na nabibili sa mga pamilihan.Noon pa man ay ginagamit na ang herbal medicine sapagkat ito ay mabisang lunas sa mga uri ng sakit na nakukuha natin sa ating kapaligiran.Maraming uri ang herbal medicine ngunit may iilan sa mga ito na di natin alam na matatagpuan lang pala sa ating bakuran o kapit bahay.Ang ilan sa mga ito ay talaga namang mabisa at patuloy na pinagkakatiwalaan ng mga matatanda.Ngayon ay nais kong ibigay sa inyo ang ilan pang mga herbal medicine na maaari nyong makita sa inyong bakuran.
1.Kataka-taka o Miracle Plant
Ito ay isang uri ng halaman na matatagpuan lamang sa kung saan saan.Tinawag itong miracle plant sapagkat ang dahon nito ang mismong nagpaparami sa halaman o nagsisilbing punla upang dumami pa ang kanyang dahon.Kahit saan mo itapon o ilagay ang dahon ay tutubo sa bawat gilid nito ang ugat at pagkaraan ay magkakaron ng mga maliliit na dahon.Maraming gamit ang halamang ito kung kayat bumagay talaga dito ang katawagang "miracle plant".Maaaring itapal ang dahon nito sa iyong pisngi kung saan mayroong pamamaga ng iyong ngipin.Idarang ang dahon sa apoy ng saglit pagkatapos ay pwedeng itapal sa sugat.Nagagamit din ang kataka taka upang magamot ang Ulcer,pagtatae at sakit ng ulo.
2.Tubang Bakod
Ito ay isang uri ng halaman na sa unang tingin ay mukhang ordinaryo at walang naitutulong.Ngunit di lingid sa kaalaman ng iilan na maaari itong gamitin bilang isang uri ng herbal medicine.Ang dahon nito ay idarang sa apoy at maaaring itapal sa iyong pilay o nananakit na kasu-kasuan.Ang ugat naman nito ay maaaring gawing antidote kung sakaling ika'y natuklaw ng ahas.Ginagamit ito ng ilan sa mga kakilala ko sapagkat mas mabisa itong gamot para sa mga sakit.Kung sakaling ikay nakararanas ng pagtatae at pananakit ng tiyan ang ugat at dahon nito ay pwedeng gamiting pang remedyo sa sakit.
3.Ang Makahiya Plant
Madalas mong makikita ang halamang ito sa tabing kalsada o kasama ng mga damo.Kung iyong hahawakan ito ang dahon nito aymagsasara.May mga tinik sa katawan ang halaman ngunit may malaking tulong ito para sa ating pag iingat sa ating kalusugan.Ang ugat,dahon at buto nito ay maaaring ilaga upang inumin.Nakagagamot ang pinaglagaan ng halaman ng mga sakit na tulad ng pagtatae,plema sa lalamunan,almoranas atbp.
Ang mga ito ay maituturing na tila mga pangkaraniwang halaman pero may malaking dulot upang mapaghilom ang iilang mga karamdaman.Tradisyunal na pamamaraan ang paggamit ng Herbal Medicine at sa panahon ngayon ay bibihira na lamang ang mga gumagamit nito dahil sa paglaganap ng iba't- ibang uri ng gamot na may halong kemikal.Subalit hindi masama ang sumubok sa paggamit ng herbal medicine ang kailangan mo lamang gawin ay magtanong at manaliksik ukol sa mga ito upang mai secure mo ang iyong kaligtasang pangkalusugan.Pero kung ang sakit mo ay medyo malala na kailangan monang itong ikonsulta sa doktor.Live well and be healthy.
Disclaimer:Ang mga nilalaman ng blog na ito ay maingat na isinaliksik at base sa mga karanasan ng mga gumamit.Hindi ako isang doktor o propesyonal na manggagamot.Hindi ko nais na gamitin mo ng sapilitan.Kung nais mong may malaman pa ukol rito ay maaaring magsagawa ka ng iyong pansariling pananaliksik.Mangyari lamang na ikonsulta muna sa espesyalista ang iyong karamdaman.

EDUCATIONAL TOOLS TO THOSE WHO ARE NOT CAPABLE OF BUYING MEDICAL TREATMENT.. I SALUTE U GUYS!
TumugonBurahin